Para sa mga kabataan ng mga Pamilyang Binubuo ng Iba't-ibang Kultura na hindi nakapag-aral.
『Dasom School』 Ang pagbubukas nito at gabay para sa paghikayat ng mga mag-aaral
◇ Ang ‘Dasom School’, at ang Pagbubukas nito at gabay para sa paghikayat ng mga mag-aaral, ay nagbibigay ng oportunidad para sa mga kabataan ng Pamilyang binubuo ng iba't-ibang kultura na hindi nakapag-aral ng High School o sa mga natigil ng pag-aaral upang makakuha ng Employment Education.
ㅇ Araw ng Pagbubukas : Ika-2 ng Marso 2012 (Biyernes)
ㅇ Bilang ng estudyanteng tatanggapin : 165 na tao ( Seoul : sa
1st․2nd․3rd Year ay may 120 na tao; Chungbuk Jecheon : 1st Year naman ay 45 na tao)
□ Pagbubukas ng Dasom School Foundation
○ Layunin : Bilang isang kilalang High School Level Alternative School na nagbibigay hindi lamang ng isang edukasyon kung hindi ng isang Technical Education din na makakatulong sa pagkakaroon ng trabaho, ang Dosom School ay itinatag upang magbigay suporta sa mga kabataan ng Pamilyang binubuo ng iba't-ibang kultura sa kani-kanilang pag-aaral at hanapbuhay.
○ Sinu-sino ang pwedeng mag-rehistro
- Mga tapos ng Middle High School, o mga magtatapos pa lamang Middle High School nitong buwan ng Pebrero 2012, o di kaya mga may ibang kaalaman o kakayahang katumbas ng nagtapos ng Middle High School.
- Mga nakapasa ng National Qualification Exam for High School
※ At para sa mga hindi matiyak ang kanilang mga dokumento sa pag-aaral, ang Admission Screening Committee ng nasabing paaralan ay magkakaroon ng mga pag-uusap-usap upang ito ay magkaroon ng pagkakataong makapag-rehistro.
○ Bilang ng estudyanteng tatanggapin : 165 na tao
- Seoul Dasom School (sa loob ng Seoul) : 1st ․2nd ․3rd Year, na may kabuuang 120 na tao, at ito ay kasalukuyang tumatanggap ng mga aplikasyon mula sa mga estudyante.
- Korea Polythech Dasom School ( Chungbuk Jecheon) : 1st Year 45 na tao, ito ay kasalukuyang tumatanggap ng mga aplikasyon mula sa mga estudyante.
※ Ang Korea Polytech Dasom School ay nangangasiwa rin ng isang dormitoryo para sa mga mag-aaral.
○ Mga Kurso
- Seoul Dasom School : Computer․Media Courses, Tourist․Hotel Courses
- Korea Polytech Dasom School : Computer Machine, Plant Equipment, Smart Electricity
○ Para sa iba pang kaalaman
- Enrollment Fees, Tuition Fees ay suportado ng mga Scholarships,
※ Tulong naman pagdating sa boarding expenses ng mga nasa Jecheon
○ Contact Numbers
- Seoul Dasom School (Seong Dong Konggo) : 070-8685-7689, 7650
- Korea Polytech Dasom School : 043-649-2800