goto Service link


Sub Navigation Bar


Contents


  • 지역기사

  • Home > 다울림정보 > 지역기사
SISTEMA NG EDUKASYON SA KOREA
카테고리다문화가족
작성자christine 아이피119.203.252.239
작성일10-02-09 16:33 조회수5919
파일
 

 1. BAGO ANG PRIMARYANG EDUKASYON

    Puwedeng magpunta ang mga bata sa mga sentro ng pangangalagang pambata o sa mga kindergarten bago sila pumasok ng elementarya.


MGA PASILIDAD SA PANGANGALAGA NG BATA

*ang mga sentro ng pangangalagang pambata ay nagbabantay at nagtuturo sa mga batang nasa edad 5 o mas bata pa.

*ang oras ng pagbubukas ay 7:30 ng umaga hanggang 7:30 ng gabi.  Ang ilang mga sentro ay bukas ng gabi o bukas ng magdamag.

*nagbibigay ng edukasyong may kaugnayan sa kalusugan, lipunan, wika, mga ekspresyon at eksplorasyon ang mga sentro ng pangangalagang pambata para sa pangkalahatang pang-unlad ng mga bata.

*magkaiba ang mga buwanan bayarin depende sa bilang ng oras ng serbisyo at sa edad ng bata.  Sa pangkalahatan, ang bayarin ay umaabot mula sa 160,000won hanggang 360,000won.


KINDERGARTEN

*inihahandog ang kindergarten sa mga batang nasa pagitan ng edad 3 at 5.

*ang oras ng pagbubukas ay mula 9:00 ng umaga  hanggang 2:00 ng hapon.

 para sa mga pamilyang dalawa ang kumikita, may ilang mga kindergarten na bukas ng   7:00  ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.

*sa pangkabuuan, hindi naghahandog ang mga kindergarten ng mga klase sa primaryang edukasyon tulad ng sining ng wikang Koreano, matematika, pisikal na edukasyon, musika at sining.  Sa pangkalahatan, naghahandog ng pundemental na edukasyong kailangan sa pamumuhay sa lipunan ang mga kindergarten.

*sumisingil ang mga pampublikong kindergarten ng 20,000won hanggang 50,000won kada buwan.  Sumisingil naman ang mga pribadong kindergarten ng 180,000won hanggang 250,000won kada buwan.


2. PRIMARYANG EDUKASYON

 ang primaryang edukasyon ay isang programang tumatagl ng anim na taon.  Ang isang batang nasa edad ay maaari nang pumasok sa isang primaryang paaralan.  Kabilang sa primaryang edukasyon ang sining ng wikang Koreano, matematika, etika, karunungang sibika, agham, musika, sining at pisikal na edukasyon.  Obligatoryo ang primaryang edukasyon.  Ang mga magulang na hindi nagpapaaral sa kanilang mga anak sa primaryang paaralan ay maaaring parusahan ayon sa batas. 


3. PAARALAN PARA SA PANGGITNANG EDUKASYON

  ang paaralan para sa panggitnang edukasyon ay isang tatlong-taong programa na kinabibilangan ng mga klase na nagtuturo ng sining sa wikang Koreano, karunungang sibika, matematika, agham, teknolohiya, pantahanang karunungang pangkabuhayan, pisikal na edukasyon, musika, sining at isang pangalawang lengguwahe (Ingles). Itinatalaga ang mga bata sa pinakamalapit na paaralan para sa panggitnang edukasyon sa kanilang tirahan.  Obligatoryo ang panggitnang edukasyon.  Ang mga magulang na hindi nagpapaaral ng kanilang mga anak sa panggitnang paaralan ay maaring maparusahan ayon sa batas.


4.  PAARALAN PARA SA MATAAS NA EDUKASYON

  ang paaralan para sa mataas na edukasyon ay isang tatlong-taong programa.  Nahahati ang mga mataas na paarlalan sa mga pangkalahatang mataas na paaralan, mga bokasyonal na mataas na paaralan, mga mataas na paaralan ng agham, at mga mataas na paaralan na may mga espesipikong layunin.  Maaaring makapasok ang mga estudyante sa mga mataas ng paaralan na may espisipikong programa sa pamamagitan ng pagkuha ng iksamen.  Para sa ibang mga mataas na paaralan, itinatalaga ang mga estudyante sa isang lokal na mataas na na paaralan depende sa kanilang tirahan base sa isang sistema ng loteriya.  Hindi obligatoryo ang edukasyon para sa mataas na edukasyon.  Kaya naman, kinakailangang bayaran ng mga estudyante ang sarili nilang matrikula. 


5.  NANGUNGUNANG EDUKASYON

*MGA KLASE NG NANGUNGUNANG EDUKASYON

  kabilang sa nangungunang edukasyon ang apat na taon ng pangkalahatang kolehiyo o unibersidad, mga bokasyonal na kolehiyo, mga kolehiyo ng mga guro, mga kolehiyo ng brodkast at panulat, mga cyber na kolehiyo, mga espesipikadong kolehiyo na naghahandog ng mga dalawa o tatlong-taong kurso, at mga politenikong kolehiyo.  Sa taong 2007,82.1% ng mga nagtatapos sa mataas na paaralan ay pumapasok sa mga kolehiyo o unibersidad.


*MGA PROGRAMA SA PAGIGING ISKOLAR

  dapat bayaran ng mga estudyante ang kani-kanilang matrikula.

  gayunpaman, maaaring makinabang ang mga estudyante sa pamamagitan ng ilang mga programa sa pagiging iskolar ng ginagastusan ng pamahalaan o unibersidad o kolehiyo.  Ang mga sumusunod na detalye ay mga paraan kung paano maging isang iskolar.

1.  akademikong programa sa pagiging iskolar:  Iginagawad ang programang ito sa mga estudyanteng mayroong mataas na GPA kumpara sa mga estudyanteng kapareho ng kurso o departamento.  Kinakailangang mag-aral ang mga estudyante upang magkaroon ng mataas na GPA.

2.  programa sa pagiging iskolar para sa mga estudyanteng nangangailangan ng pinansyal na suporta:  Bawat unibersidad o kolehiyo ay naghahandog ng ganitong mga programa.  Alinman sa estudyante o magulang ang dapat bumisita sa akademikong tagapayo ng estudyante o sa isang empleyado sa departamento ng tulong pinansyal at sabihin ang kanilang sitwasyong pinansyal.



6.  MGA ESTUDYANTENG PAUTANG

* ang mga estudyante sa unang taon o mga kasalukuyang estudyante ay maaaring makinabang mula sa mga sangay ng pamahalaan ng tulong pinansyal sa mababang interes.

* bawat unibersidad o kolehiyo ay mga inihahandog na mga libre patungkol sa pautang sa mga estudyanteng puwedeng basahin para sa nauukol na mga pangkalahatang impormasyon.

* ang mga pang-estudyanteng pautang ay binibigay ng alinman sa pamahalaan o ng mga pribadong organisasyon.  Ang mga pautang na ginagastusan ng pamahalaan ay naghahandong ng mga mababang interes.

* ang panahon ng pagsumite ng aplikasyon ay nagsisimula dalawa hanggang apat na linggo matapos ang pagbubukas ng klase.


PARAAN NG PAGGAMIT NG PANG-ESTUDYANTENG PAUTANG

Magsumite ng aplikasyon para sa pang-estudyanteng pautang sa studentloan.go.kr→pinyagan ang pondo→gamitin ang serbisyo ng pagbabangko sa internet sa itinalagang bangko ng unibersidad/kolehiyo upang makatanggap ng pang-estudyanteng pautang sa panahon ng pagbabayad ng matrikula→pagtanggap ng pang-estudyanteng pautang



MGA BAKASYON SA PAARALAN

ang mga primarya at panggitnang paaralan ay mayroong bakasyon sa tagsibol, tag-araw at taglamig.  Sa pangkalahatan, tumatagal ang bakasyon sa tagsibol mula sa ikatlo hanggang ikaapat na linggo ng Pebrero.  Tumatagal ang bakasyon sa tag-araw mula sa ikaapat na linggo ng Hulyo hanggang sa katapusan ng Agosto.  Tumatagal ang bakasyon sa taglamig mula sa ikaapat na linggo ng Disyembre hanggang katapusan ng Enero o unang bahagi ng Pebrero.  Sa mga unibersidad o kolehiyo, nagsisimula ang unang semestre sa unang bahagi ng Marso at tumatagal ng 15 linggo bago magsimula ang bakasyon sa tag-araw.  Nagsisimula ang pangalawang semestre sa katapusan ng Agosto o unang bahagi ng Setyembre at nagtatagal ng 15 linggo  bago magsimula ang bakasyon sa taglamig.




다음글  MGA PANUSTOS SA PANGANGALAGANG PAMBATA AT KINDERGARTENW
이전글  DIVORCE DECREE ISSUED BY FOREIGN COURTS

  • 한국생활정보
  • 체류국적취득
  • 학교/교육
  • 출산/육아
  • 의료
  • 충남생활정보
  • 충남개요
  • 교통정보
  • 의료기관
  • 문화
  • 상담기관
  • 다문화가정지원기관

Footer